Ngunit alam mo ba na napakaluma na ng salitang ito? Ang "barangay" o "balangay"ay ginagamit na ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila. Isa ito sa mga unang salita na natutunan ng mga Kastila pagtapak nila sa ating mga isla.
Antonio Pigafetta
Ang Italyanong si Antonio Pigafetta ay kasama ni Magellan noong dumating siya sa Pilipinas. Siya ang nagsulat kung paano sila nakipagusap sa isang lokal na hari sa Pilipinas sa loob ng isang barkong tinawag nya na "balangay." Nalaman nila na ginagamit ren ito ng mga taong nakatira malayo sa dagat, ang mga Tagalog. Ngunit ang balangay para sa kanila ang pinakamaliit na unit na pampulitikal, na pinamumunuan ng isang datu.
Noong 1976, nadiskubre ang ilang balangay sa Butuan, Agusan del Norte. At nitong 2013 lamang, isang dambuhalang balangay ang muling nadiskubre sa Butuan, ngunit patuloy pa ang pag-aaral ng mga eksperto tungkol dito.
Excavation sa Butuan
Sinasabing sa sobrang laki ng bagong diskubreng balangay, halos ang mga kahoy na pako na ginamit para dito ay kasing taba ng mga lata ng softdrinks. Naglalakihan ren ang mga puno na ginamit para buuin ang balangay na ito, sa sobrang laki ay wala nang mahahanap na ganoong puno sa modernong panahon.
Mga dambuhalang pako ng balangay
Pinapakita lamang ng salitang balangay/ barangay ang naging kahalagahan ng mga daluyan ng tubig para sa ating mga ninuno. Tubig ang naging daluyan ng mga produkto, kargamento, at maging ng mga tao. Kilala ang ating mga ninuno sa husay nila sa paggawa ng mga barkong pang-dagat, mga barkong para bang ibon habang lumalayag dahil sa galing ng pagkagawa.
---
Mga larawan:
[1] http://en.wikipedia.org/wiki/File:Antonio_pigafetta.png
[2] http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2013/08/2013_08_09_18_02_03.jpg
[3] http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2013/08/2013_08_09_17_57_23.jpg
[4] http://cuyopress.com/2011/01/07/balanghai-or-butuan-boat-aka-balangay/
No comments:
Post a Comment